Kalayaang may Kalayuan

images

 

 

Malayo sa pagiging malaya,kung ang kamalayang tinatamasa ay sa iba nagmula.

Huwag biguin ang pag-asang may pagbabago.

Sa sariling pagkilos mo ito dapat magsimula!

Advertisements

Himutok ko lang naman

IMG_20160611_34528

Bihira ako manuod ng pinoy movies. Manuod man ako,madalas ay puro indie films lang. Ang lakas mamlastik ng mainstream eh. Galit na galit na ang bida,relax na relax pa ang bitaw ng linya. At ayaw magmura.

 

“Pu-ni..tin ang – mga sedula nyo!”

Hilaw ang scripts….

Mas akma siguro kung isa ka’ng rebolusyonaryong nanggagalaite sa galit..

 

“Letse!! Punitin ang putang-inang mga sedula!!”

Walang pause,walang hinto dapat ang pagitan ng mga salita,sa unang ragasa pa lang ng linya,dapat andun na yung feels ng gigil na gigil na galit. Dahil ang isang tipikal na pinoy kapag galit,bara bara ang bibig nito!